Message 16
Hii madam!! grabe first off, maraming maraming maraming salamat sa lahat. Hindi ko feel na matatapos ko yung school year if hindi po kayo yung adviser. Hindi po mapipinta sa salita kung gaano po namin kayo naaappreciate, kung gano ko po kayo naaappreciate. Grabe madam naisip mo po ba kung coincidental yung after 3? years na pag adviser niyo sa charity mapupunta kayo bigla sa loy HAHAHA. Para sakin po blessing yon, isang pruweba sa sobrang bait na Panginoon. Di ko na papahabain pa, iikot lang naman sa iisang statement: walang loyalty kung walang ma’am ariane. HAHAHAHA. Thank you madam, kasi lagi po kayong nandiyan mapa sad tweet sad face and kumplikado face dahil sa hirap ng ageom HAHAHAHAHHA. You’re the best ma’am Ariane. Swerte ko, swerte ng loyalty. Di man na kami yung maggiging advisory mo, di man na kami yung maggiging student niyo, tumatak po pangalan niyo sa mga puso namin. Malayo pa po mararating natin madam!! lahat po ng achievements and grades and everything utang sa inyo, pero higit sa lahat walang tatalo sa pagmamahal niyo ;)) Blessing po kayo sa lahat ng nakakakilala sa inyo, your parents must be so proud of you!! i hope your proud of us madam, nag pursigi po kami para sa mga taong tulad niyo!! bihira lang po makakita ng guro na di lang isip yung ginagalaw sa bata kundi pati yung puso nila. Marami pa kong gustong sabihin, pero mas matamis na isarili na lang. Mahal na mahal ko po kayo madam, maraming salamat!!!
-Andrea Cervo

Comments
Post a Comment